-- Advertisements --

makati 1

Arestado ang tinaguriangTop 1 Most Wanted Person sa Police Station Level dahil sa pagpatay sa isang police officer sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Makati City Police Station kahapon sa may bahagi ng Moonwalk Annex, Talon Uno, Las Pinas City.


Nakilala ang suspek na si Fatima Nacario, 29-anyos, single, walang trabaho at nakatira sa No. 151 J 18 ave. Brgy., East Rembo, Makati City.

Nakatanggap kasi ng impormasyon ang pulisya mula sa isang informant at ipinagbigay alam ang kinaroroonan ng akusado dahilan para ikasa kaagad ang nasabing operasyon para isilbi kay Nacario ang Warrant of Arrest na inisyu ni Hon. Judge Honorio Guanlao ng RTC Branch 57 dahil sa kasong Murder at walang piyansa na inirekumenda.

Kasalukuyang nakakulong sa police station ang suspek para isailalim sa booking procedure.

Si Nacario ay isa sa 12 suspeks na pumatay kay PO2 Mendoza nuong Sept. 10,2020 kung saan rumisponde lamang ang nasabing pulis dahil may nagpaputok ng baril sa may Barangay East Rembo sa Makati City pero ng dumating sa crime scene ang pulis pinagtutulungan siya ng mga suspeks dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Sa 12 mga suspeks, ilan dito ay positibong nakilala at naisampa ang kaso kaya naglabas ng warrant of arrest ang korte.

Sa ngayon dalawa pa lamang ang naaresto habang at large pa ang 10.

Samantala, naglabas ngayon ng mga Hotline numbers ang pamunuan ng National Capital Region Police (NCRPO) na maaring ireport at itawag ng publiko hinggil sa kinaroroon ng isang wanted person o kriminal.

Sinisiguro naman ni Danao ang confidentiality ng identity ng mga informant.

“Our informant can assure confidentiality of his/her identity, therefore our community has nothing to worry when it comes to their safety in reporting similar accused persons,” pahayag ni BGen. Danao.

Hinimok naman ni Danao ang publiko na ireport ang anumang krimen o impormasyon sa kanilang SMS hotline numbers Isumbong Kay RD NCRPO O915- 888-9181 para GLOBE; 0999-901-8181 para sa SMART, at PIO NCRPO Viber 0998-325-5771.

Binigyang-diin ng Heneral na nais nilang maging bukas ang publiko sa pagsumbong sa otoridad lalo na sa krimen, katiwalian o ang mga iligal na aktibidad ng kapulisan.

“We enhanced our NCRPO hotlines upang maging bukas ang ating mga kababayan sa pag susumbong ng ano mang krimen o katiwalian sa kapulisan. As a result, we can see that we are gaining the trust and confidence of our people these days through the large volume of reports we have received in our hotlines. Ang mga ito ay iniimbestigahan upang agarang maaksyunan. Kailangan lamang ng ating Team NCRPO na manatiling matapat, matapang at may malasakit sa mamamayan upang magpatuloy ang ating nasimulan,” pahayag ni Danao.

Naniniwala kasi si Danao na malaki ang maitutulong ng publiko sa paglaban sa krimen sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon.

Nais din kasi ni Danao na magkaroon ng magandang ugnayan ang PNP sa mga residente sa Metro Manila.