-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naaresto na sa pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang suspek sa pagpatay sa tribal leader na si Datu Rodito Boklas noong Mayo 20 sa Sitio Amontay, Brgy. Bangonay, bayan ng Jabonga, Agusan del Norte.

Nakilala ang nadakip na si Junie Bitoon Pinao alyas Dodong at Jomar base na sa warrant of arrest sa kasong attempted murder na ipinalabas ng 10th Judicial Region Branch 34 na nakabase sa Cabadbaran City, kung saan may pyansa itong P120,000.

Ayon kay 1Lt. Nonette Banggad, tagapagsalit ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army, si Dodong ay nakilalang isang notorious member ng Milisya ng Bayan at nahuli sa pinagsanib na pwersa ng Law Enforcement and Security Operations (LESO) ng 29th Infantry Battalion at Jabonga Municipal Police Station sa Sitio Madbad, Purok 9, Brgy Bangonay, bayan ng Jabonga.

Ito rin ang pinaghihinalaang pumatay kay Romie Dejolde Jr sa Sitio Dakulang, Purok 9, sa nasabi ring barangay sa nakaraang taon.