-- Advertisements --

Naaresto ng mga pulis sa Quezon City ang suspek sa pagpatay kay Marcelo “Ozu” Ong, miyembro ng Masculados.

Batay sa sa report ng Quezon City Police District (QCPD) na nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa presensiya ng suspek na si Kristopher Ernie sa kanyang bahay sa may North Fairview Subdivision.

Dahil armado at mapanganib ang suspek kayat agad silang nagsagawa ng surveillance sa lugar hanggat naaresto si Ernie.

Si Ernie ay may warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 70.

Bukod kay Ernie arestado din ang dalawa nitong kasamahana na sina Joselito Pangilinan at Reedlani Eclarenal habang nakatakas isa pang kasama nilang si Dennis Franco.

Inilabas ang arrest warrant kay Ernie noong nakaraang Nobyembre kaugnay ng carjacking incident na ikinamatay ni Ong at seaman na si John Agbayani sa Angono, Rizal noong Agosto 2015.

Narekober kay Ernie ang isang caliber .45 pistol, isang fan knife, anim na sachet ng hinihinalang shabu, mga drug paraphernalia at dalawang sasakyan.