-- Advertisements --

CEBU CITY – Hindi muna pinangalanan ng mga otoridad ang naarestong itinuturong suspek sa pagpatay sa isang pulis na naka-assign sa Cebu Provincial Police Office sa Barangay Media Once, Toledo City sa Cebu.

Ayon sa hepe ng Provincial Intelligence Branch na si Police Captain Alejandro Batobalunos, may kinalaman sa trabaho ang motibo sa pananambang kay Police Master Sergeant Junard Cinco kahapon.

Inilarawan naman ni Capt. Batobalunos si Master Sgt. Cinco bilang isang mabuti at responsableng pulis.

Kung maaalala, nagmamaneho si Cinco papuntang Toledo City sakay ng kanyang motorsiklo kung saan sinundan umano ito ng gunman at binaril.

Napag-alaman na isa si Cinco sa mga pulis na nag-surveillance sa sinasabing kanang-kamay ng big time drug personality na si Steve Go na nagresulta sa agarang pagkamatay nito matapos barilin noong Lunes ng gabi.