-- Advertisements --
image 163

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek sa pagpatay sa radio broadcaster na si Cresenciano Bundoquin sa Oriental Mindoro.

Isinilbi ng NBI ang warrant of arrest laban kay Isabelo Bautista Jr. para sa murder at attempted murder kaugnay sa pamamaril-patay sa mamamahayag.

Subalit iginigiit pa rin ni Bautista na inosente ito mula sa krimen.

Kung matatandaan, kusang sumuko si Bautista sa NBI-National Capital Region noong huling bahagi ng buwan ng Hunyo kung saan itinanggi niyang may kinalaman siya sa pagpatay sa mamamahayag na nangyari sa Calapan city.

Sinabi ng Police Regional Office Mimaropa na isa sa dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang bumaril kay Bundoquin sa harap ng isang sari-sari store noong Mayo 31.

Agad na isinugod sa pagamutan ang 50 anyos na biktima subalit idineklara itong dead on arrival.

Tinukoy naman ng mga testigo kalaunan si Bautista bilang gunman habang ang kaniyang kasabwat na si Narciso Guntan ay namatay matapos masangkot sa aksidente habang tumatakas mula sa pinangyarihan ng krimen.