Naaresto na ng mga otoridad ang suspek na nasa likod ng pagpatay sa 25-anyos na US rapper na si Tupak Shakur.
Kinilala ang suspek na si Duane Keith Davis o kilala bilang si “Keffe D.”.
Ayon sa mga otoridad na noong Hulyo pa ay nagsagawa ang Las Vegas Metro Police Department ng paghaluglog sa bahay ng suspek.
Magugunitang noong 1996 ay pinagbabaril ang rapper habang ito ay nasa kaniyang sasakyan matapos na manood ito ng isang boxing match sa Las Vegas.
Nakita sa bahay ng suspek ang isang diary kung saan nakasalaysay ang buhay niya bilang street gang at ang pagpatay kay Shakur.
Si Davis ang isa sa dalawang nabubuhay na witness na pamamaril sa rapper na ang isa ay si Marion “Suge” Knight na dating CEO ng Death Row Records at ito ay nakakulong na sa ibang kaso.
Nakasaad doon na isa siya sa bumaril sa rapper na lulan sila ng isang Cadillac at pagtapat sa sasakyan ng rapper ay doon nila ito pinagbabaril.
Nagtamo ng apat na tama ng baril sa katawan ang biktima at matapos ang anim na araw sa pagamutan ay ito ay namatay.
Inaalam pa ng mga otoridad ngayon ang ilang mga kasabwat ng suspek sa nasabing pamamaril sa kilalang rapper.