-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang kasuhan na ng murder ngayong araw ang 25-anyos na lalaking nakapatay ng isang sex worker sa Homewood pension house sa Zone 4, Barra, Opol, Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si John Michael Alfeche, residente ng Luyong Bonbon, Opol, Misamis Oriental.

Sinabi ni Opol Municipal Police station commander Major Evary Bacunawa, na napatay ng suspek ang biktima na si Samera Marayan, nakatira sa Barangay Gasi, Laguindingan sa lalawigan matapos mataranta ang suspek nang hiningan ito ng babae ng P5,000 bilang bayad kahit P1,500 lamang ang kanilang napag-usapan.

Inamin ng suspek na itinali niya ang biktima upang hindi siya masundan papalabas ng pension house ngunit mariin niyang itanggi na pinatay niya ito.