Nahuli na ang lalaking hinihinalang pumaslang kay Canice Minica Seming, kapatid ng stepmother ni Coleen Garcia-Crawford, noong December 20, 2023 sa bahay ng ama ng aktres sa Antipolo City.
Nagtamo ng 15 na saksak sa katawan si Seming, bandang 11:50 PM.
Kinilala ang suspek na si Art Villacastin Tondo, na dating karpintero ng ama ng aktres.
Inaresto si Tondo sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City matapos siyang mamukhaan ng isang pulis, ayon sa Eastern Police District.
Sinesante ng ama ni Coleen si Tondo, matapos madiskubreng lulong ito sa ipinagbabawal na gamot.
Nakatatanggap ng mga pagbabanta sa buhay ang yaya ng mga kapatid ni Coleen, na siya namang dating live-in partner ni Tondo dahil ayaw na umano nitong makipagbalikan sa suspek.
Wala naman natanggap na death threats ang pamilya ng aktres bago mangyari ang insidente.
“She left him and blocked him because apparently, he’d been constantly threatening her, even saying he plans to kill her seven children,” ayon sa aktres.
Nasa bahay ng mga Garcia ang naturang yaya ng mga kapatid ng aktres noong nangyari ang karumal-dumal na pagpatay.
“Canice had just arrived in my dad’s house, and he showed up looking for his partner, who was at our house at that time with my family.“
Maaaring napagbuntungan ng galit ng suspek si Seming ayon kay Rizal Provincial Police Office Director PCol. Philip Maraggun.
“Possibly under influence of illegal drugs ang person of interest nung mangyari ang insidente,” pahayag ni PCol. Maraggun.
Photo courtesy from Coleen Garcia-Crawford’s official social media page.