-- Advertisements --

TACLOBAN CITY- Personal na sinalaysay ng suspek ang kanyang ginawang krimen sa mga otoridad.

Ayon sa suspek na si alyas Diego, sinaksak muna niya ang biktima bago niya ito gahasain.

Dagdag pa nito, na umuwi muna siya sa kanilang bahay matapos gawin ang krimen, at saka binalikan ang pinangyarian ng karumaldumal na krimen sa kadahilanang hinahanap na ang biktima ng mga taga-barangay.

Sa kanyang pagbalik, dito naisipan ng suspek na sunugin ang patay na katawan ng biktima, at pagkatapos ay iniligay niya ito sa sako at tinapon sa dagat.

Sa nagin salaysay ng suspek, walang nangyaring chop-chop, ito ay sa kadahilanang may naiwan na ilang parti ng katawan sa crime scene, ito raw ay dahil sa matinidng apoy kaya natupok na ang ilang bahagi ng katawan nito at otomatiko itong natanggal ng isini-silid na ito sa sako.

Mariin namang itinanggi ng suspek, na nasa ilalim siya nga pinagbabawal na gamot.

Sa ngayon, humihingi siya nga despensa sa pamilyang iniwan ng biktima, at handa siyang pagbayaran ang kanyang ginawang hindi makataong krimen.