-- Advertisements --
Naghain ng not guilty plea ang suspek sa pagpatay sa Chief Operating Officer ng UnitedHealthCare.
Ang 26-anyos na si Lugi Mangione ay humarap sa korte para sa kaniyang 11 state criminal counts kabilang ang murder at crime of terrorism dahil sa pagpatay sa biktimang si Brian Thompson.
Nahaharap din si Mangione ng federal stalking at murder charges na maaaring ito ay mahatulan ng parusang kamatayan.
Magugunitang pinagbabaril ng suspek ang biktima habang ito naglalakad sa central Manhattan at siya ay naaresto sa Pennsylvania.
Sakaling ma-convict ng lahat ng kaso ay mahaharap siya sa mandatory sentence ng life in prison na walang anumang parole.