-- Advertisements --

Inihahanda na ang kaso laban sa suspek na nagpuslit ng aabot P3-milyon halaga ng party drugs.

Nakalagay ang nasabing mga kontrabando sa ilang sachet ng kape kung saan pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay kanilang nakita na droga pala ang laman nito.

Agad na kumilos ang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Bureau of Customs para arestuhin ang suspek na tatanggap ng ipinadalang droga sa Caloocan City.

Matapos na matanggap ng suspek ang mahigit na 600 gramo ng ketamine ay agad nila na itong inaresto.

Sinabi naman ni PDEA NCR Adrian Alvarino na ang nasabing droga ay mula sa bansang Malaysia.