-- Advertisements --
Inilabas na ng mga kapulisan sa Wisconsin pagkakakilanlan ng suspek sa naganap na pagsagasa sa Christmas parade na ikinasawi ng limang katao at ikinasugat ng mahigit 40 na iba pa.
Kinilaa ang suspek na si Darrell Edward Brooks Jr, 39 na siyand driver ng SUV at naninirahan sa Milwaukee na naaresto ng mga kapulisan matapos ang insidente.
Ang nasabing suspek rin ay may mga nauna ng kaso na gaya ng domestic abuse, battery at kakalabas lamang ng kulungan dalawang araw bago naganap ang pagsagasa nito.
Hindi naman itinuturing ng mga kapulisan na isang uri ng terorismo ang nangyaring insidente.
Ang parada ay tradisyunal na isinasagawa kada taon sa linggo bago ang Thanksgiving Day.