-- Advertisements --

ILOILO CITY – Muli na namang napatunayan ng flasghip station ng Bombo Radyo Philippines na pinagkakatiwalaan ito ng publiko.

Ito’y matapos naging daan ang Bombo Radyo Iloilo sa pagsuko ng menor de edad na suspek sa pagsaksak-patay sa isang lalaki sa Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City.

Ang suspek ay si alyas Tagoy,17, residente ng Rizal- Ibarra, Iloilo City Proper at ang biktima naman ay si Wendell Cayetano,21, residente ng Bo. Obrero, Lapuz.

Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Ginang Dolores, sinabi nito na malaki ang kanyang tiwala sa Bombo Radyo Iloilo kung kaya’t minabuti niya na manging daan ang istasyon upang maisuko ang kanyang anak sa pulisya.