-- Advertisements --

Kinilala ang pangunahing suspek sa panununog sa barkong panggiyera ng US na Bonhomme Richard noong 2020.

Naglabas na ang korte ng warrant of arrest sa 20-anyos na suspek na si seaman na si Ryan Sawyer Mays.

Base sa imbestigasyon na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Mays sa isang Navy kaya naganap ang pagsunog.

Mariing pinabulaanan naman ng suspek ang nasabing insidente.

Nasabotahe rin sa insidente ang tatlong firefighting station sa amphibious warship.

Magugunitang noong Hulyo 12, 2020 ng masunog ang barko na ikinasugat ng 40 na tripulante at 23 sibilyan sa San Diego, California.

Umabot pa sa apat na araw bago tuluyang maapula ang sunog.