-- Advertisements --
Nananatili pa rin sa kulungan ang suspek sa pamamaril kay Slovakia Prime Minister Robert Fico.
Ayon sa spokesperson ng Specialized Criminal Court ng Slovakia, ipinag-utos ng korte na manatili sa detention ang suspek matapos sabihin ng prosekusyon na nangangamba sila na umalis ito ng bansa.
Sa kabila nito, maaaring i-apela ng suspek ang desisyon ng naturang korte sa Supreme Court.
Sa ngayon ay nasa serious but stable condition pa rin si Fico ayon sa mga opisyal matapos magtamo ng multiple gunshots sa abdomen noong May 15, 2024.