-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ang kasong isasampa laban sa suspek ng pagbaril-patay sa Purok-13, Sta.Monica, Brgy. Bunawan, Agusan Del Sur pasado alas 6:30 sa nakaraang gabi.

Ito ay matapos sumuko ang suspek na si Mark Betos Legaspo, 22-anyos, binata at residente rin sa nasabing lugar sa 1303rd Maneuver Company, RMFB-13 na nakabase sa nasabi ring lungsod kahapon sa alas 2:30 ng hapon.

Ayon kay Police Master Sgt. Ursos, case investigator sa Bunawan MUnicipal Police Station na kaagaad na itinurn-over ang suspek sa kanilang himpilan. Dagdag pa nito na inamin ng suspek ang nasabing kremin ngunit isailalim pa rin ito sa paraffin test upang matapos ang kanilang imbestigasyon.

Habang patuloy na tinutukoy kung saang lugar itinapon ng suspek ang baril na ginamit sa paggawa sa kremin.

Ayon kay Police Master Sgt. Ursos na base sa inisyal na imbestigasyon, nilusob ng biktima na si Reynante Fernandez Cedeno, 38-anyos, may-asawa at residente sa Purok-13, Sta. Monica, Bunawan Brook, Bunawan, Agusan Del Sur ang pamamahay sa suspek matapos nagselos sa ama nito kungsaan naka-angkas sa motor ang asawa sa biktima.

Nang akmang aatake na ang biktima gamit ang matutulis na bagay, dito na pinagbabaril sa marming beses dahilan sa kaniyang pagkamatay. Narekober sa crime scene ang 8 basyo ng bala na galing sa 45 na pistola.