-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – May mga person of interest na tinututukan ang pulisya na namaril-patay sa isang manggagamot sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Dr Robert Cadulong, may-ari ng Cadulong Medical Hospital sa Pikit Cotabato.

Una rito, nagja-jogging lamang ang biktima sa Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato nang ito ay pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Patay on the spot si Dr Cadulong nang magtamo ng siyam na tama ng bala sa iba’t -ibang parte ng kanyang katawan.

Agad inilibing ang biktima base sa paniniwalang Islam.

Ang pamamaril patay kay Dr Cadulong ay kinondena ng grupo ng mga doktor sa Central Mindanao.

Sa ngayon ay nakatakdang buuhin ng Cotabato PNP ang Task Force Cadulong na siyang mangunguna sa imbestigasyon sa pamamaril patay sa biktima.