-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patong-patong na mga kaso ang kahaharapin ng suspek sa panggugulo at pamamaril sa sayawan sa Sitio Nilukpan, Barangay Putian, Cuartero, Capiz na ikinasawi ng isang ginang.

Magsasampa ng kaso si Police Corporal Almar Quiatchon laban sa suspek na si Jovel Onato, 39-anyos, ng Barangay Mahunod-hunod, Cuartero, Capiz.

Sa eksklusibong panayan ng Bombo Radyo Roxas kay Police Captain Mary Grace Borio, hepe ng Cuartero PNP, sinabi nito na kabilang sa isasampang kaso kay Onato ay ang paglabag sa Comelec gunban.

Sasampahan din daw nila ito ng kaso ng paglabag sa RA 10591 o pagtatago ng hindi lisensyadong baril, Crime Against Person wuth Authority, Direct Assault at Attempted murder

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya nasa loob ng sayawan ang grupo ni Onato at ibang grupo ng mga kalalakihan na umiinom nang biglang hindi magkaintindihan ang magkabilang panig.

Dahil dito ay humingi ng tulong ang mga residente kay Police Corporal Quiatchon na pumunta lamang sa area para sunduin ang kanyang kamag-anak.

Kinausap pa ng maayos ng pulis si Onato na isuko ang kanyang baril, ngunit nagmatigas ito at siniko si Quiatchon.

Matapos matumba ang pulis ay tinutukan pa ito ng baril ng suspek ngunit maswerte na hindi pumutok.

Naghabulan pa ang dalawa sa labas ng sayawan at akmang babarilin sana ni Onato si Quiatchon ngunit inunahan ito ng pulis.

Malas lamang na natamaan ng bala ang napatay na biktima na si Mary Chris Dellava na nasa loob ng kanilang bahay ng manyari ang insedente.