-- Advertisements --

Sinampahan na ng kaso ng mga otoridad sa New York ang suspek na namaril at pumatay kay UnitedHealthcare CEO Brian Thompson.

Naaresto ang 26-anyos na si Luigi Mangione sa isang fastfood chain sa bayan ng Altoona, Pennsylvania ng mamukhaan ito ng isang customer.

Nakuha sa kustodiya ng suspek ang isang baril at ilang mga dokumento.

Ang suspek ay nagtapos sa Ivy League mula sa kilalang pamilya sa Maryland.

Humarap ang suspek sa korte ng Pennsylvania at ito ay kinasuhan dahil sa pag-aari ng hindi lisensyadong baril at ibang mga kaso.

Magugunitang binaril hanggang mapatay ng suspek ang 50-anyos na si Thompson habang ito ay naglalakad sa labas ng Hilton Hotel sa Midtown Manhattan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinaka-motibo ng suspek sa nasabing ginawa niyang krimen.