-- Advertisements --

Sinampahan ng 10 counts of murder ang suspek na pamamaril sa isang supermarket sa Colorado.

Ang 21-anyos na si Ahmad Al Alwi Alissa ng Arvada ay naaresto matapos ang walang awang pinagbabaril nito ang mga tao sa King Soopers stores sa Boulders na ikinasawi ng 10 katao na may edad mula 20 hanggang 65.

Kabilang na napatay ng suspek ang isang pulis na unang rumesponde sa kaguluhan at ang manager ng nasabing establishimento.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.

Tiniyak naman ni Boulder County District Attorney Michael Dougherty na hindi sila titigil para mapanagot ang nasabing suspek sa ginawa nito.