Inilabas na ng kapulisan sa Gilroy, California ang pagkakakilanlan ng suspek na namaril sa food festival na ikinasawi ng tatlo katao.
Sinabi ni Gilroy Police Chief Scot Smithee na ang suspek ay si William Legan, 19-anyos, ay pumasok sa nasabing lugar sa pamamagitan ng pagsira sa nakalagay na harang.
Gumamit ng isang uri ng AK-47 assault rifle ang suspek at walang habas na namaril sa Gilroy Garlic Festival.
Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng suspek sa nasabing pamamaril.
Magugunita sa nasabing pamamaril ay tatlo ang nasawi na kinabibilangan ng 6-anyos lalaki ,13-anyos na babae at lalaki na nasa edad 20.
Nasugatan din ang may 20 katao na agad na itinakbo sa pagamutan.
Nagpaabot na rin ng pakikiramay si US President Donald Trump sa pamilya ng mga nasawi.