-- Advertisements --

Matagumpay na nasakote sa isang joint operation ng mga kapulisan ang suspek sa pamamaril-patay sa mag-asawa sa Zamboanga City, isang araw matapos ang krimen.

Ang suspek ay naaresto sa Calvario Village, Isabela City, Basilan.

Sa pahayag ng Zamboanga City Police Office, nagpasalamat sila sa supporta ng Local Government ng Zamboanga City para sa mas maigting na manhunt operation.

Kung maalala, binaril-patay ng suspek ang mag-asawang negosyante na sina Fathie Bara Loong at Bai Rivalia sa Brgy. Boalan, Zamboanga City nitong Myerkules ng umaga kung saan kasama nga nito ang kanilang 4 anyos na anak na nakaligtas naman sa insidente.

Ayon nga sa pulisya, nilapitan nito si Loong at binaril habang nasa iniinspeksyon ang construction ng kanilang tindahan at sinunod ang kanyang asawa na nakaupo sa loob ng van kasama ang kanilang anak.