-- Advertisements --

Napatay ng mga kapulisan ng Las Vegas ang suspek na namaril sa University of Nevada.

Mabilis na nakaresponde ang mga kapulisan ng makatanggap sila ng tawag na mayroong pamamaril na nagaganap sa nasabing unibersidad.

Nangyari ang insidente sa Student Union Building kung saan mabilis naman na lumikas ang mga otoridad.

Hindi pa matiyak ng mga otoridad kung ilan ang sugatang biktima sa nasabing insidente.

Patuloy na inaalam din ng mga kapulisan ang motibo ng nasabing pamamaril.