-- Advertisements --

Naaresto na ng mga kapulisan sa England ang lalaking pumatay sa tatlong kababaihan.

Ayon sa Hertfordshire Police na nakita nila ang suspek na si Kyle Clifford na nagtamo mga sugat.

Pinatay ng suspek gamit ang crossbow ang isang babae at dalawang anak nitong dalaga.

Kinilala ang mga biktimang sina Carol Hunt na edad 61 at dalawang anak na sina Hannah, 25 at Louise, 28.

Taong 2022 ng umalis na ang 26-anyos na suspek sa British army na unang sumali noong 2019 at naitalaga sa Household Cavalry.

Naniniwala ang mga otoridad na ang personal na awayan ng biktima at mga suspek.