CENTRAL MINDANAO-Kilala na ang suspek na nag-iwan ng Improvised Explosive Device (IED) na sumabog sa loob ng pampasaherong bus sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang nasawi na si Benjamin Solaiman,5 anyos na binawian ng buhay sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Sugatan naman sina Hailan Solaiman,5 buwan,Masid Piang,25 anyos,Yustira Solaiman 3 anyos,pawang mga residente ng bayan ng Datu Odin Sinsuat Maguindanao,Haron Solaiman Sr,24,taga Kidapawan City ,Rodolfo Castillo,67,residente ng Toril Davao City at Lester Alkane Bautista, 17 anyos, taga Barangay Poblacion Pikit Cotabato.
Maftatandaan na habang binabaybay ng isang yunit ng Mindanao Star Bus body number 15511 ang Cotabato-Davao Highway.
Ngunit pagsapit nito sa Purok Narra Barangay San Mateo Aleosan Cotabato ay biglang sumabog ang hindi matiyak na bomba sa likurang bahagi ng bus.
Dahil sa tindi na pagsabog ng bomba ay isa ang nasawi at anim ang nasugatan.
Tumulong agad ang mga residente ng bayan ng Aleosan at dinala ang mga sugatan sa Aleosan District Hospital ngunit agad na inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.
Sinabi ni Manong Jimmy Mosquira na dinig nya ang malakas na pagsabog sa bus at Nakita nya rin ang mga sugatang biktima.
Mismo ang anak ni Jimmy na si Jeson Mosquira ang nagdala sa mga sugatan sa Aleosan District Hospital gamit ang kanyang traysikad.
Marami na naniniwala na posibling pangingikil sa bus company ang motibo sa pagpapasabog o kaya ganti sa madugong engkwentro sa Brgy Gokotan Pikit Cotabato.
Tukoy narin ni Aleosan Chief of Police Captain Arvin John Cambang ang suspek ngunit ayaw pa nitong ihayag sa publiko ang kanyang pagkakilalan na sumakay sa bayan ng Pikit Cotabato at bumaba sa harap ng Aleosan National High School.
Samantala,kinondena naman ni Cotabato Vice-Governor Emmylou”Lala”Mendoza ang madugong pagsabog sa bus.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Aleosan PNP katuwang ang PNP-SOCO at 34th Infantry Battalion Philippine Army sa bombang sumabog sa Mindanao Star.