Inilabas na ng kapulisan sa Nice, France ang pagkakakilanlan ng suspek sa naganap na pananaksak sa Notre Dame Basilica.
Kinilala ang suspek na si Brahim Aioussaoi, 21-anyos isang Tunisian.
Dumating ito sa isla ng Lampedusa sa Italy noong Setyembre sa pamamagitan ng bangka.
Inilagay pa siya sa quarantine bago umalis sa Italy at nagpunta sa France nitong Oktubre.
Magugunitang pinagsasaksak ng suspek ang dalawang babae at isang lalaki sa loob ng simbahan kung saan ang isang babae ay kaniyang ginilitan sa leeg.
Tinatayang nasa edad 70 ang isang babae ang ginilitan ng leeg habang nasa edad 40 hangang 50 rin ang lalaking sinaksak na isang lay member ng simbahan at ang isang babae na edad 30-40 na unang tumakas malapit sa cafe na pinagsasaksak ng ilang beses na namatay din kinalaunan.
Dahil sa pangyayari naglagay ng aabot sa 7,000 mga kapulisan at sundalo si French President Emannuel Macron.