(Update) BACOLOD CITY – Halos hindi pa makakausap ng mabuti ang 27-anyos na suspek na pumatay sa Grade 10 student sa harap ng VMA Global College sa lungsod ng Bacolod kahapon.
Sa ngayon, nakakulong na sa Police Station 9 si Ray Jan Carmelotes ng Purok A. C. Yulo, Barangay Sum-ag matapos niyang saksakin gamit ng kitchen knife ang biktimang si Alexis Genise Jr. ng Purok Nami-Nami 1, Barangay Sum-ag na nagresulta sa pagkamatay nito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod, halos hindi makausap ng mabuti sa Carmoletes ngunit kanyang inamin na nakonsensya siya sa krimen na kanyang ginawa.
Hindi aniya niya maalala kung paano niya nasaksak ang biktima sapagkat hindi naman daw niya ito pinagplanuhan.
Ayon naman sa hepe ng Bacolod Police Station 9 na si Police Lt. Jovito Pastrana, inihahanda na ang mga dokyumento upang masampahan ng kaso murder ang suspek.
Nabatid na binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng maraming saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kabilang na sa tiyan at leeg.