-- Advertisements --

Inaresto at sinampahan na ng kaso ng New York City Police Department ang suspek sa apat na insidente ng pananaksak sa subway na ikinasawi ng dalawang katao.

Ayon sa NYPD Transit Bureau, kasong murder at attempted murder ang inihaing kaso laban sa suspek.

Pinasalamatan niya ang ilang mga nakasaksi sa insidente na nagbunsod sa agarang pagkaaresto sa suspek.

Matapos ang pangyayari ay naglagay na ang NYPD ng karagdagang 500 na kapulisan na magpapatrolya sa subway matapos ang apat na insidente ng pananaksak sa loob lamang ng 24 na oras.

Kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang dalawang biktima habang inaalam pang mabuti ng mga kapulisan ang motibo ng suspek sa pananaksak.