-- Advertisements --
image 50

Natagpuang patay sa kulongan ang pangunahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang walong-taong gulang na batang babae sa Lucena City, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan ang bangkay ni Julius Rodas, 19-anyos, dakong 12:45 a.m. nitong Linggo sa CR ng piitan na may tali sa leeg.

Sinubukan namang isalba ang buhay ni Rodas ng mga rescuer mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lucema City pero idineklara na itong dead on arrival sa pagamutan.

Ang naturang suspek sa panggagahasa ay naaresto ilang oras matapos matagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Gulang-Gulang, Lucena City, Miyerkules ng umaga.

Natagpuan ang biktima na walang saplot, may busal sa bibig, at nakagapos.