-- Advertisements --
Pinaghahanap na ng mga kapulisan ng PNP sa lungsod ng Caloocan ang suspek na pumatay at hinihinalang gumahasa sa isang 14-anyos na dalagita sa Pangarap Village, kagabi.
Nadiskubre ang biktimang si Garlene Teria na nakatali ang dalawang kamay at dalawang paa kung saan wala pang saplot sa katawan.
Ayon sa ina ng biktimang si Mary Jean, may mga nakakita na ang gumawa ng krimen ay ang kapitbahay na kinilalang si Diomedes Liamez.
Kuwento pa ng ina na nagkaroon ng alitan ang biktima at suspek matapos na pagbintangan na may sakit umano ang biktima.
Lagi aniya nakikita nila ang suspek na dumudungaw sa kanilang bahay.
Matapos ang insidente ay hindi na nakita pa ang suspek kaya ito ay patuloy na pinaghahanap ng mga kapulisan.