-- Advertisements --
Kinumpirma ng mga kapulisan sa Sweden na napatay ang suspek na nagpasimula ng pagsunog ng Quran sa isinagawang protesta noong 2023.
Ayon sa tagapagsalita ng prosecutors office ng Sweden nabaril si Salwan Momka na isang Iraqi national ng hindi pa nakilalang mga suspek.
Limang katao ang inaresto may kaugnayan sa nasabing insidente.
Nangyari ang insidente isang araw bago basahan ng hatol dahil sa panghihikayat ng racial hatred.
Taong 2018 ng manirahan sa Sweden si Momika at noong 2023 ng magsagawa ito ng kilos protesta na dapat ay sunugin ang Quran dahil sa nagdudulot ito ng hindi maganda sa komunidad.