GENERAL SANTOS CITY – Patay sa drug operation sa Pulisya ang isa sa itinurong responsable sa 2016 Roxas night market bombing sa Davao City at suspek sa Tacurong bombing nuong 2019.
Kinalala ni Lt. Col. Lino Capellan, Spokesperson ng Police Regional Office 12 ang suspek na Al Rashed Sungan Layao alias Layao aktibung miyembro ng Daesh Inspired Group sa pangunguna ni Kumander Abu Toraife na sympathizer ng ISIS.
Ayon ni Capellan ang suspek isa sa close security sa foreign terrosist na si Mauwiya isang Singaporean national na bomb maker na nakabasi sa Datu Salibo, Maguindanao. .
Nangyari ang drug bust sa Crossing Sigbol, Brgy. New Cebu, Lambayong Sultan Kudarat nagdaang araw .
Dagdag ng Opisyal biglang binunot ni Layao ang dala nitong caliber .45 pistol subalit naunahan ito ng pulisya na nagresulta sa pag-angkin ng maraming sugat sa katawan na nagresulta sa pagkamatay nito.
Nakuha ang armas, pinagdudahang shabu at ang mark money sa kustudiya ng suspek.