-- Advertisements --

Humarap na sa federal court sa Florida ang suspek sa tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump.

Nakasuot na itim na prison scrubs at nakatali ang kamay at paa ng suspek na si Ryan Wesley Routh.

Hindi pa inanuniyo ni Magistrate Judge Ryon M. McCabe ang magiging hatol kay Routh.

Magugunitang naaresto si Routh habang tumatakas lulan ang itim na pickup matapos na tangkaing barilin si Trump sa golf course nito sa Florida.

Nakuha sa lugar ang AK-47 na may scope at GoPro Camera.