-- Advertisements --

Naaresto na ng mga otoridad ang isang lalaki na nagtangkang barilin si dating US President Donald Trump.

Ayon sa Secret Service, nakita nila ang muzzle o dulo ng isang AK-47 na nakatutok sa lugar kung saan naglalaro si Trump.

Nakatago umano ang nasabing baril sa makahoy na lugar kaya agad itong pinaputukan ng mga secret service.

Mabilis na tumakas ang suspek lulan ng itim na pick-up subalit kanila itong naharang.

Nakuha sa lugar ang isang AK-47 na may scope at isang GoPro camera.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na ang insidente ay isang uri ng tangkang assasination kay Trump.

Patuloy na inaalam ng FBI ang motibo ng nasabing suspek sa tangkang pamamaril nito kay Trump.