-- Advertisements --

Nasampahan na ng kaso ang suspek sa tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump na si Ryan Wesley Routh.

Ayon 58-anyos na suspek ay kinasuhan ng federal gun crimes, possession of firearm bay a convicted felon at possession of firearm with an obstructed serial number.

Lumabas din sa imbestigasyon ng korte na nagtago ng mahigit 12 oras ang suspek sa golf course ni Trump na matatagpuan sa Florida.

Nakuha sa possession ng suspek ang isang Ak-style rifle na hindi naman napaputok matapos na maunahan ng masita ng mga secret service.

Ang sasakyan na minamaneho ng suspek ay nakarehistro sa ibang tao na malinaw na ito ay ninakaw.