-- Advertisements --
texas shooting

Pagkakatanggal sa trabaho ang naging dahilan umano ng suspek sa Texas mass shooting upang isagawa ang malagim na krimen na nag-iwan ng 22 katao sugatan at pito naman ang patay.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, pinatalsik mula sa kaniyang trucking job ang gunman na nagbunsod ng kaniyang galit upang mamaril.

Napatay ng mga pulis ang suspek habang nagtatago ito sa parking lot ng isang sinehan sa lungsod ng Odessa.

Nabatid na mag-isa lamang ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa alam ang kaniyang motibo sa krimen.

Tinatayang nasa 15-57 anyos ang mga nasawi.

Gumamit din umano ang suspek ng “AR-type weapon” bilang baril.

Pinuri naman ni US Presient Donald Trump ang Texas Law Enforcement dahil sa mabilis nitong pagresponde sa krimen.

Dakong alas-tres ng hapon nang magsimula ang pamamaril matapos hulihin ng otoridad ang nasabing gunman dahil sa hindi umano nito paggamit ng signal ng kaniyang sasakyan.