Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Mandaluyong Police Office ang suspek sa pagbebenta ng vaccine at vaccine slot online.
Boluntaryong sumuko ang suspek na si Cyle Bonifacio kay MMDA Chairman Benhur Abalos at Mandaluyong Mayor Menchie Abalos.
Ongoing na sa ngayon ang imbestigasyon ng PNP laban sa suspek na posibleng mahaharap sa kasong bribery at paglabag sa Bayanihan Law.
Siniguro naman ng PNP na bibigyan ng due process si Bonifacio.
Mariin naman itinanggi ni Bonifacio na nagbebenta siya ng slot sa bakuna na hanggang P15,000 ang halaga.
Aniya siyang koneksyon sa LGU pero ang kanyang ama ay isang barangay kagawad.
Samantala, nagpalabas na rin ng subpoena si PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar laban sa suspek sa ilegal na pagbebenta ng Covid 19 vaccine.
Hindi pa masabi ngayon ng PNP kung ang suspek na sumuko kanina sa Mandaluyong ay siya ring suspek na tinukoy ng PNP.
Hinihintay pa ni PNP chief ang report mula sa CIDG.
Una ng sinabi ni Eleazar na nagtatago na ngayon ang suspek at nagdeactivate ng lahat ng kanyang social media account.
Giit ni Eleazar, gagamitin niya ang lahat ng kanyang kapangyarihan para mapanagot ang suspek.
Ang PNP Chief, Director at ang Deputy Director for Administration ng Criminal Investigation Group (CIDG) ay binigyan ng kapangyarihan na mag-isyu ng subpoena sa ilalim ng Republic Act 10973.