-- Advertisements --

Inilabas na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek sa pamamaril sa Abundant Life Christian School sa Madison, Wisconsin.

Ayon kay Madison Police Chief Shon Barnes, na kinilala ang suspek na si Natalie Rupnow, 15-anyos.

Pinatawag na rin ng mga otoridad ang magulang ng suspek para malaman kung sino ang may-ari ng nasabing baril.

Nasa pagamutan ang anim na nasugatan sa insidente kung saan dalawa sa kanila ang nasa kritikal ang kondisyon.

Magugunitang matapos ang pamamaril na ikinasawi ng 2 biktima ay nagpakamatay din ang 15-anyos na suspek kung saan narekober sa tabi niya ang baril na ginamit.

Kasamang na nasawi sa insidente ang isang guro habang ang isa naman ay mag-aaral.