-- Advertisements --

ILOILO CITY – Sinampahan na ng kasong murder ang mga suspek na brutal na pumatay sa umano’y myembro ng LGBT community sa Brgy. Nabitasan, La Paz, Iloilo City matapos hindi nagbayad sa one night stand.

Ang biktima ay si Johnny Tan, 59, residente ng Yulo Arroyo, Iloilo City Proper.

Samantala ang mga suspek naman ay ang magpinsan na sina John Paul Dubria, 20, at Tammy Banesio, 18, mga residente ng Valderama, Antique.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Staff Sergeant Antonio SantibaƱez, imbestigador ng Lapaz Police Station, sinabi nito na lumabas sa kanilang imbestigasyon na mayroong intensyon ang mga suspek sa pagpatay sa biktima.

Ani SantibaƱez, inamin naman ng dalawang suspek na ang hindi pagbayad ng biktima sa nangyaring “one night stand” ang dahilan ng krimen.

Matandaang ginilitan sa leeg at sinaksak sa dibdib ang biktima gamit ang kitchen knife.