-- Advertisements --

Iginiit ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na bahagi ng criminal syndicate si suspended Bamban Mayor Alice Gou.

Ang naturang sindikato, ayon sa komisyon, ay siyang responsable sa mga criminal operations na nangyayari sa loob ng dalawang sinalakay na Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs: ang Zun Yuan Technology Inc. sa Bamban at Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ayon kay PAOCC spokesman Winston John Casio, ito ang lumalabas sa isinagawa nilang imbestigasyon, kasunod na rin ng mga serye ng operasyon at paggagalugad na ginawa sa dalawang nabanggit na compound.

Gayonpaman, hindi pa malinaw kung ano ang partikular na tungkulin ni Gou sa nabanggit na criminal organization.s

Ayon kay Casio, patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa mga sinalakay na POGO hub at inaalam ang koneksyon sa mga ito, kasama na ang mga indibidwal na posibleng mayroon ding koneksyon, atbpa.

Si Mayor Gou ay dating incorporator ng Baofo compound kung saan matatagpuan ang Zun Yuan Technology Incorporated.