Pinayuhan ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang suspendidong alkalde na tumakbong muli sa nalalapit na 2025 midterm election.
Sa isang panayam, sinabi ng kanyang abogado na si Atty. Stephen L. David na marapat lamang na taumbayan ng Bamban ang magdesisyon sa mga akusasyon laban sa kanilang kliyente.
Si Guo ay itinuturong sangkot sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa Bamban.
Naging mainit rin ang usapin hinggil sa kanyang pagiging Pilipino matapos na kumpirmahin ng National Bureau of Investigation na nagtugma ang fingerprint ni Guo sa isang chinese passport holder na nagngangalang Guo Hua Ping.
Samantala, ayon naman kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, maaari pang tumakbo si Guo bilang alkalde dahil wala pang pinal na desisyon ang korte sa kanyang mga kinakaharap na kaso.
Nagbanta rin ito na handa silang maghain ng kaso laban kay Guo sakaling mapatunayan na nagsisinungaling ito.