-- Advertisements --
Tinawag na “fake news” ni suspended Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr. ang mga balitang uuwi raw siya sa Pilipinas ngayong araw.
Ito ay matapos na i-anunsyo ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inaasahang babalik na sa bansa ngayong araw ang nasabing mambabatas.
Bagay na mariing pinabulaanan ni Teves at sinabing dapat ay tinanong daw muna siya ng mga ito bago sila magsalita pahinggil sa nasabing usapin.
Una na kasing sinabi ni Remulla na mayroon siyang “reliable source” na mayroong access sa mga flight data sa bansa.
Si Teves ay ang pinaghihinalaang utak sa likod ng pamamaslang kay dating Negros Oriental Governor Roel Degamo na nagresulta rin sa pagkamatay ng 10 pang mga indibidwal.