Isiniwalat ni suspended Negros Oriental Congressman Teves na mayroong dalawang high-ranking official sa gobyerno na nais siyang ipapatay.
Subalit tumanggi ang mambabatas na pangalanan ang mga ito.
Giit ng mambabatas na ang direktiba para ipapatay siya ay nag-ugat mula sa pagnanais ng mga nasa likod ng umano’y masamang balak laban sa kaniya para masolo ang e-sabong business at myroong mga kasosyo aniya na jueteng lord.
Ayon kay Teves na hindi nagtagumpay ang e-sabong venture ng mga opisyal ng gobyerno at ngayon ay siya ang sinisisi.
Samantala, inamin din ni Cong. Teves na nag-ooperate ito ng e-sabong o online cockfighting subalit matagal na panahon na ang nakakalipas.
Iginiit ng mambabatas na hindi lahat ng e-sabong ay sugal liban na lamang kung may sangkot na pera walang umiiral na batas na nagsasabing iligal ito noon.
Sa kasalukuyan, hindi na aniya ito nago-operate pa ng e-sabong dahil wala itong prangkisa para dito.
Subalit ibinunyag din ng mambabatas na may alam siyang nagmamay-ari ng e-sabong.
Pinabulaanan din ng kongresista na wala siyang pagmamay-ari na small town lottery (STL).
Una ng inakusahan ni Pamplona Mayor at naulilang may-bahay ng napaslang na Gobernador ng Negros Oriental Roel Degamo na nagmamay-ari si Teves ng gambling businesses gaya ng e-sabong at STL.
Sa ngayon, nananatiling misteryo ang kinaroroonan ng mambabatasna tumangging umuwi sa bansa dahil sa takot sa banta sa kaniyang buhay.
Ang mambabatas ang itinuturo umanong mastermind sa pagpaslang kay governor Deagmo at walong iba pang mga nadamay na mga indibidwal noong Marso 4.