-- Advertisements --
Congressman Arnulfo Teves

Mariing itinanggi ni suspended representative Arnolfo Teves Jr ang ulat na kinausap umano nito si Marvin Miranda noong Huwebes, Abril 20 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Teves , matagal na niyang hindi nakaka-usap  ang kanyang dating tauhan.

Si Miranda ang itinuturong “co-mastermind” sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4 habang namamahagi ito ng ayuda sa kanyang mga constituent.

Gayunpaman, hindi itinanggi ng mambabatas na dating nagtatrabaho para sa kanya si Miranda.

Una ng sinabi ng mga awtoridad na si Miranda ay dating bag man at security aid ni Arnie Teves Jr.

Sinabi rin ng Department of Justice na kinanta sa kanila mismo ni Marvin Miranda ang isang tinatawag nilang Big Boss at Boss Idol at positibo  nga nitong  tinukoy si Arnie Teves Jr.

Sa ngayon umabot na sa 11 suspect ang nasa kustodiya ng mga awtoridad at lahat sila ay dating military personnel.