-- Advertisements --

Arestado ng mga tauhan ng PNP -Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang suspendidong pulis na sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay PNP-IMEG Director, PBGen. Thomas Frias Jr., naaresto sa entrapment operation si PCpl Regie Alilano sa may bahagi ng Mc Arthur Highway corner Potrero St. Malabon City kagabi.

Ayon kay Frias, subject ng manhunt operation ang pulis matapos ang inisyung warrant of arrest ng Korte dahil sa paglabag nito sa RA 9165.

Bago masuspinde, si Alilano ay dating nakatalaga sa NCRPO at nagpositibo sa drug test.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PNP-IMEG ang suspek para sa ocumentattion bago.iharap sa korte.

Samantala, muli namang nanawagan ang IMEG sa publiko na magsumbong sa kanilang.hotline na 09989702286 o 09957952569 kung may nalalamang anomalya na kinasasangkutan ng mga pulis.

Malaki rin kasi ang naitutulong ng mga impormasyon para maging matagumpay ng kanilang mga operasyon.