-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Nagdeklara sa ngayon ng suspension of classes ang iba’t ibang lugar sa Mindanao kasunod ng Magnitude 6.3 na lindol.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay North Cotabato PDRRMO Officer Mercy Forunda, ipinahayag nito na suspedido ang klase sa lahat ng antas sa bayan ng Magpet, Kabacan, Pres. Roxas, Makilala, M’lang, Aracan, Tulunan, Carmen at Kidapawan City.

Ayon kay Forunda, ang nasabing hakbang ang upang siguraduhon na ligtas ang school buildings sa muling pagbalik ng mga estudyante.

Samantala, suspendido din ang klase sa lahat ng lebel sa lungsod ng Koronadal maging sa bayan ng Tupi, Tampakan, Tantangan, Tboli, Norala sa probinsya ng South Cotabato.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang assessment ng mga otoridad sa kabuuang danyos na iniwan ng malakas na lindol.