KORONADAL CITY – Ipinatupad ang suspension of classes ang mga LGU’s sa buong lalawigan ng South Cotabato ngayong araw dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Unang nagdeklara ng pagsuspende ng pasok sa lahat ng antas mula Day Care hanggang kolehiyo si Mayor Eliordo Ogena kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Mayor Ogena, sinabi nito na simula pa kagabi na halos walang humpay ang pabuhos ng ulan hanggang kaninang umaga kaya’t nagdesisyon ito na ideklara ang kanselasyon ng pasok para na rin sa kaligtasan ng mga estudyante.
Sa katunayan, may mga lugar din sa lungsod ng Koronadal na binaha partikular na sa Robredo Street at ilang mga lugar sa Barangay San Isidro.
Maliban sa Koronadal, ng iba pang mga lugar na ipinatupad ang suspension ng klase ay ang mga munisipyo ng Polomolok, Banga, Surallah, Tantangan, Norala, Tupi, Sto. Nino, Tampakan, Tboli at Lake Sebu.
Ipinasiguro naman ng mga LGU’s na nakatutok din sila sa mga lugar na apektado ng baha at landslide.