-- Advertisements --

Naibalik na sa kaniyang puwesto si Monalisa Dimalanta bilang chairperson ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sinabi ni Secretary Cesar Chaves ng Presidential Communications Office, na mismong si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagbalik sa puwesto ni Dimalanta matapos na tanggalin ng Office of the Ombudsman ang ipinataw na preventive suspension.

Sa inilabas na memorandum ni Bersamin na agad na maibabalik sa Dimalanta sa kaniyang puwesto bilang Chairperson at Chief Executive Officer ng ERC.

Magugunitang sinuspendi si Dimalanta dahil sa reklamo ng National Association of Electricity Consumers for Reforms Inc matapos na bigo umano itong mag-regulate ng power rates lalo na ang recalculatioin ng Manila Electric Company.

Labis naman na ikinatuwa ni Dimalanta ang pagkakatanggal ng kaniyang suspension kung saan napatunayan na lamang na wala itong anumang ginagawang mali.