Ipapatupad na ngayong linggo ang suspension order laban kay San Jose, Occidental Mindoro Mayor Romulo Festin.
Ito ay batay sa inilabas na kautusan ng Sandiganbayan na 90-day preventive suspension laban sa alkalde na may kaugnayan sa tatlong graft charges na kinakaharap nito.
Kinumpirma ni Interior and Local government Secretary Eduardo Año na kaniya ng napirmahan ang implementation order.
Aniya, ipapadala ngayon sa Occidental Mindoro ang pirmadong suspension order.
“I have signed the implementation last tueday and its now enroute to Occ Mindoro. It will be implemented within the week,” mensahe pa ni DILG Sec. Eduardo Año.
Una nang sinuspinde si Festin ng 3rd division dahil sa tatlong kaso ng graft kaugnay ng computerization ng real property tax assessment ng bayan, pagbili ng multi-cabs at paglabas sa mga sahod ng ilang pribadong indibiduwal na walang daily time records noong 2016.
Ang resolusyon ay pirmado ni Presiding Justice at 3rd Division Chairperson Amparo Cabotaje-Tang.