Suportado ni Senador JV Ejercito ang pagsusupinde pansamantala sa paglilipat ng sobrang pondo ng Philippine Health Insurance Corporation sa mga unprogram plans ng gobyerno.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ejercito na marapat lamang na pagtuunan muna ng focus ang pagpapalawak sa mga benepisyo at maging ang kontribusyon ng mga miyembro nito .
Giit pa ng senador na dapat mabayaran ng Philhealth ang mga balance nitong utang sa mga doktor at hospital sa bansa na hanggang ngayon at nakatengga pa rin.
Kung matapos aniya ang pagresolba sa isyung ito ay maaari nang pag-aralan ng health insurer kung may sapat pa silang pondo na pwedeng ibalik sa Department of Finance para magamit sa mga proyekto ng pamahalaan.
Kung maaalala, inihayag ni PhilHealth President and CEO Emmanuel Ledesma na aabot pa lamang sa P20 billion pesos ang kanilang nakokolekta sa ngayon at ang natitira ay makukulekta pa lamang sa buwan ng Agosto, Oktubre, at Nobyembre.
Ang halagang ito ay malayo pa sa ₱89.9 billion na kabuuang iniuutos ng gobyerno na ilipat ng na unprogrammed funds.
Kaugnay nito ay inaasahan naman ni Ejercito na tutuparin ni Ledesma ang kanyang pangakong pakikipag-usap kay PBBM para irekomenda ang pagpapahaba sa buwanang kontribusyon ng kanilang mga miyembro.